Why You Should
Visit My Home: Surigao
Takipsilim na noon at mag-isa akong umiinom ng softdrink
habang pinapanood ko dapat ang paglubog ng araw
sa Manila Bay. Pero hindi, lagi ko lang nahuhuli
ang sarili kong nakatingin sa kawalan. Hilo ako
sa kaka-isip kung bakit tayo nagka-ganun. Kung bakit
pagkatapos mo'ng itutok ang iyong hintuturo sa aking
ilong sumigaw ka ng “bumalik ka na sa ‘yong
pinanggalingan!” sabay fade away na
para bang naka-shoot sa basketball.
Dala marahil nang sobrang tindi ng nararamdaman
naging mababaw ako at naitanong sa sarili: bakit,
ano bang meron sa pinanggalingan ko at gusto nya
kong bumalik dun? Eh hindi pa naman sya nakapunta
dun. Ano ba alam nun? Ang babaw pero pinatulan ko
na.
Ang bawat tao ay dumarating sa punto ng pagtatanong
kung saan sya nanggaling, at saan sya papunta. Hindi
mo raw mararating ang patutunguhan kung di ka marunong
lumingon sa pinanggalingan.
Kaya ang biyahe ko, sinimulan ko sa kung saan ako
nanggaling. Sa lugar ng tatay ko. Sensya na dun
sa senti na intro, alam ko, marami sa inyo
nasabihan na ng ganun. Sa maniwala kayo
o hindi, ang gamot sa heartache, ay pagbiyahe
sa bayan.

Ang bayan ng San Agustin, Surigao del Sur ay matatagpuan
sa eastern coast ng Mindanao. Five
towns away ‘to sa Tandag, ang provincial
capital ng Surigao del Sur, at four towns
away naman from Bislig City. At dahil Pinoy
tayo at sa oras ng biyahe natin sinusukat ang layo
ng mga bagay-bagay, sasabihin ko'ng 7 hours
away sya from Davao city, at 5 hours naman
from Butuan City. Lahat yan by air. Hehe.
Joke lang. By land syempre.
Fishing and farming ang mga pangunahing
sources of income ng mga tao dito. Nung
bata ako, lagi akong iniiwan ng mga magulang ko
dun. Grade four ng matutunan ko ang ratio and
proportion sa math. Sa tantya ko nun, merong
isang kalabaw kada isang pamilya. Ngayon, iilan
nalang ang nakikita ko'ng kalabaw. Pero may kakaiba
akong napansin ngayon. Merong mga puting ibon na
kasing laki ng pato na laging umaaligid sa mga kalabaw.
Sabi ng tito ko, white leghorn daw yun. Sabi naman
ng tita ko, heron. Ang sabi ko, tatawagin ko yung
kakilala kong taga-Birdwatch para malaman ko kung
ano talaga.
Ang baybayin ng San Agustin ay nakaharap sa Pacific
Ocean, kung kaya't malakas ang hampas ng mga alon
dito paggdating ng gabi. Ang sarap matulog sa hele
ng mga alon ng Pacifico dahil sobrang regular ng
rhythm ng waves. Kung ginawaan mo ng waveform
plot, perfect sinusoid yan. Oops sensysa na,
suma-sideline akong engineer sa umaga. Naks. Pero
anggaling nga ng mga alon dun, lalo na sa area na
ang tawag nila Duot. Minsan tumambling na ko sa
ilalim ng mga alon na yun. Panalo. Tatlong baso
ng tubig-alat ang nilagok ko. Pero kung mag low
tide naman, akala mo magkaka tsunami
na sa layo. Meron ding mga isla sa barangay brettania
at barangay salvacion na white sand at walang kuryente,
walang coke, walang tao.

Ibang klase dun, sa sobrang abala ng mga tao sa
ginagawa nila, kokonti ang kasabay mong mag beach
pag weekend, o kaya mag muni-muni sa bukid. Mabagal
ang takbo ng mga oras. Malinis ang simoy ng hangin.
Masarap mag-isip at mangarap. Simple pero rock.
Natural high.
Dito ka rin makakakita ng skylab, live! Motorsiklo
yan na may panels tulad ng mga satellites kaya skylab.
Kung mag-isa ka lang na sasakay, kailangan mo magdala
ng isang sakong bigas pang-balance.
Bukod sa dagat at bukid, meron ding mga mangrove
forest. Sa isang area na tinawag na Sabang, dun,
laglag baba ko sa ganda ng mangrove area. Malalakas
ang huni ng mga ibon at kuliglig, nagiging noise
ang ipod. Brackish water ang area ng Sabang,
na konektado naman sa Hubo river.
Hubo River. Waw. Nice name. pero imbis
na ma-excite, naiyak ako. Umupo ako sa gilid ng
Hubo pagkatapos ng isang araw kong paglibot sa San
Agustin, sabi ko: waw. Eto ang peace of mind,
pare. Oo nga, sagot ng sarili ko. Dito pinanganak
at lumaki ang tatay mo. Dito mo binuhos ang masasayang
tag-init ng kabataan mo. Nararapat lang na dito
mo mahahanap ang peace of mind na matagal mo ng
hinahanap. Waw. Bigat. Overload. Ex-sweetheart,
eto bumalik na ko mula sa pinangalingan ko. Salamat
sa payo. Hindi na ko babalik sa ‘yo. O ayan,
tama na drama. Biyahe na!

Sa mga gustong pumunta ng San Agustin, Surigao del
Sur, pwede ninyong gawing base ang Davao City o
Butuan City. Sa mga syudad na yan, sumakay ng bus
na papunta'ng Tandag. Ang average na pamasahe mula
Davao City ay P450, at sa Butuan naman, P250. I
advise that you guys wear light clothing kasi
karamihan sa mga bumibiyaheng bus ay walang aircon.
Sa mga babae naman, hindi ako nagbibiro, kung may
sports bra kayo, gamitin nyo dito. May rough road
area sa biyahe na kakailanganin ng suporta. Bumaba
kayo sa barangay poblacion ng San Agustin para makahanap
ng accomodations kung balak ninyo mag-overnight.
Mula sa National Highway sa Poblacion, 10 minutes
lang ang lakad papuntang dagat. 'Wag na problemahin
ang pagkain, fresh lahat ng pagkain doon at mura.
Text and photos by Joey Climaco © 2006
Joey is one of the YTRiP incorporators.
Biyahero, Inhinyero, Batang-Surigao.