How I Got There:
Puerto Galera
This is not your usual travel article.
First time ko mag-punta sa Puerto Galera noong
April [2007]. Bakit ngayon lang ako nag-punta? Kasi
ang dami ko'ng naririnig na hindi maganda
tungkol dito. Gaya na lang ma ito daw ay
wala ng kwenta pag naka-punta ka na sa Boracay.
Eh, hindi ko naman gusto ang Bora kaya sa isip ko,
lalo'ng hindi ko magugustuhan ang Puerto Galera.
Tapos may mga nagsasabi pa na sleazy daw
doon, na may mga milagrong nangyayari sa
harap ng maraming tao at puro daw bading
ang nagpupunta dun dahil cruising place ito.
Pero nang magyaya ang mga officemates ko, sumama
na rin ako. Kasi summer naman at hindi pa ako nagbebeach
ngayong taon.
Papunta doon, sumakay kami ng bus (JAM liner) sa
Buendia papuntang Batangas Pier ng
3:30 am. Mga 150 Pesos ang pamasahe ng bawat
isa.
Pagdating sa pier (mga 1.5 oras
na byahe), dudumugin kayo ng mga tao doon. 'Wag
nyo nalang silang pansinin kasi iinit lang ang ulo
nyo sa kulit nila (haha!). Derecho na lang
kayo sa loob ng pier. Doon pumili kayo ng sasakyan
ninyong bangka. Standard ang presyo ng
pamasahe kaya mag-base na lang kayo sa oras ng pag-larga.
Less than 200 pesos ang pamasahe.
Nang malapit na kami sa isla, ito ang sumalubong
sa amin:
Sabi ko sa sarili ko “Hanep sa welcome,
bading na bading!“. *background music:
somewhere over the rainbow*
Nang makarating kami sa White Beach (na
hindi naman white), nag-lakad kami ng pagkalayo-layo
para lang maka-sakay ng jeep papunta sa hotel namin
na 7km (ayon sa mamang driver) ang layo mula sa
binabaan namin. Nasabi ko na ba'ng umuulan din?
Sa totoo lang naisip ko na na magiging disaster
ang baksyon na ito. But well well well, look
do we have here! Masarap ang breakfast sa hotel!
Tapos biglang umaraw! Tapos na-upgrade ang room
namin! Tapos mabait ang staff! Tapos…tapos
OA na ako.
Pagkatapos ng almusal, nag-snorkeling kami sa
white sand na beach (pero hindi White Beach
ang tawag. Labo.) Maganda, ang dami'ng
isda! Kung nakaka-amoy lang ako sa ilalim ng tubig,
I’m sure I’d have smelled something
fishy (ahahay ang corny ko!). Tapos nag island hopping
kami! Nagphotoshoot doon, (kung hindi nyo naitatanong
e serious photography enthusiast ako) Tapos
bumalik sa hotel at natulog.
Nung hapon, nagpunta kami uli ng White Beach kasi
doon ang sunset, at habang nag-liliwaliw ang mga
officemate ko, ako nag-set up ng camera at hinintay
ang sunset. Napakasaya ko ng panahong yon. Bakit?
Kasi nasa beach ako, kumukuha ng litrato
at umiinom ng beer. Aaaaw. Tapos
ang ganda pa ng sunset!
Pagkatapos ko'ng mag-picture-picture, sumama na
ako sa grupo ko uli at may mga nakita kaming kaka-ibang
business signs!
May nakaka-inis:
May nakakatuwang jologs:
At may nakakatawa:
(yung isang branch nila “Ang Cute ng
Henna Mo” hehe joke lang)
Pagka-tapos ng isang mala-fiestang dinner (mura
lang pagkain dun!), naglakad-lakad kami sa shore
line. Nang mapagod kami, nagpunta kami sa Tipzynakuu
Bar (may recall ang pangalan hehe) at uminom
ng konti habang pinapanood ang dumadaan na tao.
Natapos ang araw namin nang medyo maaga (mga 11pm) kasi
ang dami'ng nagawa buong araw at pagod na kami.
Sa bakasyon na ito, nagbago ang pananaw
ko sa Puerto Galera.
Una, hindi sya walang kwenta kung ikukumpara
mo sa Boracay. Sa totoo lang, mas nag-enjoy
ako sa snorkeling dito kaysa sa Boracay. Mas
mura rin, hehe. At pangalawa,
hindi sya sleazy at hindi totoong puro bading
ang andon, maraming babae, mga bata, lolo, lola,
mga mag-asawa, mga pamilya. Siguro sa mga
nagsasabing sleazy at cruising place ang Puerto
ay yung mga naghahanap ng sleaze at sadyang nag-cru-cruise.
Sa madaling salita, hindi mo makikita ang
hindi mo hinahanap (naks!).
Masaya ako at nagpunta ako sa trip na to! Tara,
balik tayo!
Text and photos: Jason Tengco © 2007
Jason is a photographer and an
artist. He is also greenpinoy.